top of page
  • Writer's pictureAutoPerformance Ph Brembo Philippine Distributor

Icer Brakes FAQ - Filipino Version

Updated: Apr 26, 2021



Maraming impormasyon na ang nababasa sa internet ngayon patungkol sa preno, pero ang kadalasan dito ay galing sa iba’t ibang bansa, kung saan hindi na aayon sa kundisyon dito sa Pilipinas, o kaya naman sari’t sari ang mga opinyon ang ating mababasa. Halos sampung taon ng naka-tutok ang AutoPerformance Ph pag dating sa preno. Mula sa pang-ordinaryong sasakyan, hanggang sa mga pang-karera, marami na kaming naranasan at naging kaalaman sap ag dating sa brake discs at brake pads. Dahil dito, gumawa kami ng FAQ (Frequently Asked Questions) para makatulong sa Pilipinong motorista. Sana masagot naming ang mga tanong ninyo.


1. Gaano katagal ang buhay ng brake pads?


Ang haba ng buhay ng brake pads ay iba-iba. Sa Pilipinas, madalas 25,000km hanggang 55,000km ang buhay ng brake pads. Maraming dahilan kung bakit magkakaiba ang tagal ng buhay ng pyesang ito. Ang mga ilan ay ang sumusunod:


a. Ang klase ng sasakyan.

b. Ang mga lugar na dinadaanan.

c. Pati na rin ang paraan ng pagmamaneho.


Marami pa ibang nakakaapekto sa haba ng buhay ng brake pads. Samakatuwid, hindi magkaparehas ang pag-ubos ng brake pads ng dalawang sasakyan kahit na parehas ang modelo nila.

Tandaan na ang pinaka mahalagang katangian ng brake pads ay ang kapit niya kapag tinatapakan ang preno, hindi ang haba ng buhay niya. Sa gayon, madalas kapag napakahaba ang buhay ng brake pads, ang nauubos naman ay ang brake disc. Mas mahal ang brake disc, kaya’t mas nakakatipid kapag ang brake pads ay ang nauunang maubos.


2. Gaano katagal ang buhay ng brake discs?


Katulad ng brake pads, ang haba ng buhay ng brake discs ay iba-iba. Sa Pilipinas, madalas 50,000km hanggang 100,000km ang buhay ng brake discs. Katulad din ng brake pads, maraming dahilan kung bakit pa-ibaiba ang buhay ng pyesang ito. Bukod doon sa mga nabanggit na, ang brake disc ay mas mabilis maubos kapag matigas ang brake pads. Madalas kapag napakahaba ang buhay ng brake pads, ang nauubos ay ang brake disc. At dahil mas mahal ang brake disc, mas nakakatipid kapag ang brake pads ay ang nauunang maubos.


3. Paano ko malalalaman kung kailangan ng palitan ang brake pads ko?


Karamihan ng brake pads ay may tinatawag na audible wear indicator. Ito ay isang maliit na bakal na nakakabit sa brake pads, na tumatama sa brake disc kapag palitin na ang brake pads. Pag tama niya sa brake disc, magkakaroon ng isang matining na ingay. Kapag narinig mo na ito, kailangan ng palitan ang brake pads mo.


Sa mga mas-mahal at mas-modelong sasakyan, gumagamit sila ng brake pad wear sensor. Kapag ganito ang sistema ng sasakyan mo, meron kang makikita na warning light sa dashboard na nagsasabing dapat palitan na ang brake pads mo. And simbolo nito ay may anim na linyang nakapaligid sa bilog na kulay pula o orange.


Isang magandang palatandaan ay ipasilip sa inyong mekaniko ang brake discs, brake pads at brake fluid tuwing nagpapapalit ng langis.


4. Paano ko malalalaman kung kailangan ng palitan ang brake pads ko?


Ang brake discs ay may minimum thickness - ang sukat ng kapal na kapag umabot dito ay dapat ng palitan. Itong sukat na ito ay matatagpuang naka sulat o naka marka sa gilid ng brake disc, o nakaulat sa owner's manual ng sasakyan.


Isang magandang palatandaan ay ipasilip sa inyong mekaniko ang brake discs, brake pads at brake fluid tuwing nagpapapalit ng langis.



​5. Bakit ko dapat piliin and ICER para sa brake pads ko?

Simple ang sagot dito: napaka-sulit ng ICER brake pads. Para sa saktong halaga, makukuha mo ang kalidad ng produktong gawa sa Europa. Si ICER ay isa sa pinakamalaking tagagawa ng brake pads at mahigit 21 milyon na brake pads ang nabubuo nila kada taon. Lahat ng produkto ng ICER ay dumadaan sa mahigpit na pagsusuri, at mayroong marka ng ECE R90.


Kung kailangan ninyo pa ng impormasyon tungkol sa ICER BRAKES, pwede kayo bumisita sa ating Philippine ICER BRAKES website.


6. Mayroon bang ICER brake pads para sa sasakyan ko?


Gumagawa ang ICER ng brake pads para sa halos 90% ng mga sasakyan na meron sa Pilipinas, kasama na ang mga modelong gawa ng Japan, Korea, USA, at Europa. Sa kasalukuyan, hindi lahat ng modelo ay naka-stock sa Pilipinas, pero unti-unti naming kinukumpleto ang mga modelo ng brake pads.


Kung gusto ninyong malaman kung may gawa si ICER na brake pads para sa sasakyan ninyo, pwede ninyong silipin sa ICER ONLINE CATALOG.


7. Magkano ang ICER brake pads?


Ang presyo ay naka depende sa modelo ng sasakyan, pero nagsisimula sa P1,400 pataas.

8. Saan ko mabibili ang ICER brake pads?


Maari ninyo kami i-message dito sa Philippine ICER BRAKES website o sa aming ICER BRAKES Facebook page, para mabigyan kayo ng listahan ng mga ICER Official Dealers na malapit sa inyo​. Pwede rin kayo bumili ng ICER brake pads sa aming ICER Official Lazada Store.

9. Paano ako makakasiguro na tunay na ICER brake pads ang mabibili ko?


Para makasiguro kayo sa produktong makukuha ninyo, bilhin ninyo ang ICER brake pads sa mga ICER Official Dealers. I-message ninyo kami dito saPhilippine ICER BRAKES website o sa aming ICER BRAKES Facebook page para malaman kung ang tindahan na nagebebenta ay isang ICER Official Dealer. Pwede rin kayo bumili sa ICER Official Lazada Store.


10. Ano ang temperature range ng ICER brake pads?


Ang temperature range ay importante lamang sa karera, at hindi isang sukat ng kapit o bisa ng brake pads. Ang ibig sabihin ng temperature range ay kung ano ang pinakamababa at pinakataas na teperatura kung saan gumagana ang brake pads. Dahil dito, hindi siya magandang basehan ng pagpili ng brake pads kung hindi naman pang mataas na uri ng karera ang panggagamitan.


Dahil dito, hindi naglalabas ng temperature range data ang ICER. Dahil ang ICER brake pads ay subok na at napatunayang mabisa sa mga lugar na nagso-snow, hanggang sa pinaka-mainit na desyerto, makakasiguro kayo na ang ICER brake pads ay gagana nang maayos sa lahat ng kondisyon na mayroon sa Pilipinas.


Kung kayo naman ay naghahanap ng preno na pang karera, pwede ninyo kaming i-message dito sa Philippine ICER BRAKES website o sa aming ICER BRAKES Facebook page, at pwede namin kayong tulungan.

11. Meron akong talyer o tindahan ng pyesa ng kotse. Paano ako maka-apply para maging dealer?


I-message ninyo kami dito sa Philippine ICER BRAKES website o sa aming ICER BRAKES Facebook page namin para mabigay namin sa inyo ang mga dealer requirements. Madali lang mag-apply, at pag nagkaroon kayo ng producktong katulad ng ICER, maipagmamalaki ninyo sa mga customer ninyo na meron kayong brake pads na dekalidad at abot-kaya.

1,178 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page